Unyonista arestado, sinalakay ng PNP ang bahay sa mismong 'Human Rights Day'
MANILA, Philippines — Nasakote ng mga pwersa ng kapulisan ang isang aktibistang organisador ng ng mga manggagawa, Huwebes nang umaga, kasabay mismo ng paggunita ng Human Rights Day.
Ayon sa grupong Defend Jobs Philippines, 2:00 a.m. nang arestuhin ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) si Dennise Velasco matapos isyuhan ng search warrant ni Quezon City Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert.
"We slam the planting of fake evidences such as firearms and explosives on Velasco’s possession as evidence. Villavert is the same judge who issued search warrants to arrested and detained activists in Manila and Negros last year," ayon kay Defend Jobs Philippines.
"The arrest of Velasco today follows the reported surveillance of our head office in Quezon City on the night of December 3."
Nakapag-Facebook live pa ang misis ni Velasco na si Dianne Zapata habang nire-raid ng pulis ang kanilang bahay nitong madaling araw. Makikita sa video kung paanong hinahalungkat ng PNP-CIDG ang kanilang mga gamit.
Kinukuha pa ng PSN ang panig ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana hinggil sa mga paratang ng pagtatanim diumano ng ebidensya ngunit hindi pa sumasagot sa ngayon.
Kilala si Velasco sa kanyang pangangampanya laban sa kontraktwalisasyon at kanyang trabaho sa labor disputes na nangyari sa mga kumpanya gaya ng PLDT, Jollibee Foods Corporation, Regent Foods Corporation, Super 8, Pepsi atbp.
"Recently, Velasco played a crucial role as one of the lead initiators in our disaster relief efforts for the victims of Typhoon Ulysses in various areas in Metro Manila," patuloy ng grupo.
"These kind of attack and harassment against trade unionists and labor rights advocates must end. We cry foul over Velasco’s arrest being done in time of human rights day."
Nananwagan ngayon ang Defend Jobs Philippines para sa agarang pagpapalayasa lider-manggagawa sa dahilang "harassment" daw ito sa labor rights advocates sa gitna ng crackdown ni Pangulong Duterte sa mga militante't progresibong grupo.
Nangyayari ang lahat ng ito ngayong ika-10 ng Disyembre, na kilala bilang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.
'Tuloy ang laban para sa karapatan'
Labis namang ikinagalit na misis ni Velasco ang sinapit ng kanyang mister ngayong araw, na "tinangay" na lang daw basta ng pulis matapos sabihin na kukunan lang ng coronavirus disease (COVID-19) swab test matapos arestuhin. Aniya, bigla na lang siyang iniwan nang wala ang kanyang asawa.
"Imbis na tugunan ang issues sa kabuhayan at karapatang pantao, ang sagot ni Duterte ay panunupil sa pamamagitan ng mga gawa gawang kaso at tanim ebidensya," ani Zapata sa panayam ng PSN.
"Nananiniwala kami na maninigil ang kasaysayan sa pagpapahirap at kasinungalingan ng gobyernong ito. Tuloy ang laban natin para sa mga batayang karapatan. Wag tayong tumigil! Patuloy na manindigan!"
Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, umabot na sa 353 ang nagiging biktima ng extrajudicial killings sa gitna ng kampanya kontrainsurhensya ng pamahalaansimula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2020. Sa bilang na 'yan, 188 ang sinasabing human rights defenders, maliban sa libu-libong namatay sa gera kontra droga.
Nasa 488 ang sinasabing biktima ng frustrated extrajudical killings, 218 diumano ang tinorture, 18 ang dinukot at 103,193 ang "tinakot at sinindak."
"656 political prisoners remain behind bars, with 426 detainees arrested under the Duterte administration alone, and courts have refused to grant humanitarian release to elderly and sick detainees among them as the COVID-19 pandemic ravages the country’s highly congested prisons," ani Palabay.
- Latest