^

Bansa

Higit 2 milyong workers naka-‘floating’ status

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Higit 2 milyong workers naka-âfloatingâ status
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Be­navidez na ang mahigit 2 milyong manggagawa ay nagmula sa nasa 96,000 na establisimyento.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mahigit sa 2 milyon manggagawa ang nasa “floating status” dahil naka-forced leaved o kaya ay pansamantalang nagsara ang kompanya.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Be­navidez na ang mahigit 2 milyong manggagawa ay nagmula sa nasa 96,000 na establisimyento.

“Sila po iyong mga manggagawa na either na-forced leave o kaya iyong kanilang mga kumpanya ay nag-temporarily close. Dahil po doon, sila pong mga manggagawa ay naka-floating status,” ani Benavidez.

Sinabi rin ni Benavidez na pinahihintulutan ng batas ang floating status pero hindi dapat lumagpas ng anim na buwan.

Kung hindi aniya mai-babalik ang mga mangga­gawa na nasa floating, kailangan silang i-retrench at bigyan ng separation pay.

Kung hindi naman mai­babalik o kaya ay ma­ba­bayaran ng separation pay, maaari silang magsampa  ng kaso sa DOLE.

Pero idinagdag din ni Benavidez na naglabas ang DOLE ng kautusan kamakailan kung saan binibigyan nila ng pagkakataon ang mga emplo-yers at mga manggagawa na palawigin ang floating status base sa mapapagkasunduan.

Ipinaliwanag ni Benavidez na naniniwala sila na makakabawi ang ekonomiya at mas marami pang pagawaan at opisina ang makababalik sa operasyon kaya pinayagan ng DOLE ang extension ng floating status.

KOMPANYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with