^

Bansa

Singil ng Meralco bumaba ngayong Disyembre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ng P0.0352 per kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Disyembre dahil sa pagbaba ng generation charges.

Ayon sa Meralco, nagkaroon ng pagbaba sa overall power demand sa Luzon grid kaya bumaba ang generation charge ng P0.0502 per kWh sa P4.1516 per kWh nitong December.

Ang nakakonsumo ng 200kwh ay may bawas na P7, sa 300kwh ay may bawas na P11, 400kwh ay may tapyas na P14 at ang nakakonsumo ng 500kwh ay may bawas na P18 sa December bill.

Una nang inanunsyo ng Meralco na walang putol kuryente hanggang Decem­ber 2020 sa mga bahay na nakakunsumo ng 200 kWh at mababa pa na hindi na-kabayad ng kuryente dahil sa quarantine restrictions.

Sa mga nakakunsu-mo ng 201 kWh at pataas ay may 30-day grace period para sa mga nakatira sa mga lugar na nasa ila­lim ng ECQ at MECQ na wa­lang interests at penalties.

KWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with