Makabayan bloc sang-ayon kay Lacson 'gawing krimen' red-tagging sa mga kritiko
MANILA, Philippines — Ikinagalak ng militanteng Makabayan bloc ang suwestyon ni Sen. Panfilo Lacson na tuluyan nang gawing krimen ang bara-barang pag-uugnay ng mga kritiko sa Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA), bagay na labis diumano naglalagay sa mga tao sa malaking kapahamakan sa kasalukuyan.
Miyerkules kasi nang sabihin ni Lacson — na dating hepe opisyal ng Philippine National Police (PNP) — na labis na niya itong pinag-iisipan bilang chair ng Senate national defense and security panel.
"As a matter of fact, I am seriously considering the recommendation to criminalize red-tagging as long as such legislation will not infringe on the Bill of Rights involving freedom of speech and expression," sabi ni Lacson sa isang Viber message.
Wala pa namang sinasabi si Lacson kung ang ang dapat na maging parusa sa mga lalabag dito kung papalarin man itong maging batas.
Kanina lang din nang isiwalat ni Lacson na nakatatanggap na siya ng batikos sa ngayon mula sa netizens, na kanila raw na-trace sa kasundaluhan at Palasyo dahil sa kanyang "pagpanig" sa Makabayan bloc: "All I can say is, I’ve stayed long enough in public service to accept and understand that it is impossible to please everybody and that criticisms come with the territory," patuloy niya sa isang text message sa mga reporter.
Matagal nang iniuugnay at pinag-iisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Malacañang ang ligal na Kaliwa sa armadong rebelyon, na kanilang tinatawag na "front organizations" lang daw para pabagsakin ang gobyerno.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang magsagawa ng pagdinig ang Senado hinggil sa red-tagging, bagay na dinaluhan din ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at kanilang mga "witness."
Makabayan sa panukala
"I agree with Sen. Lacson in criminalizing red-tagging, in particular for government officials and employees who use government funds and resources to vilify and attack progressives, artists, critics of the administration, the political opposition and even ordinary people just for espousing their beliefs," sabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Huwebes.
"Government funds and resources should be used to improve the lives of the people and not to attack them with premeditated disinformation schemes, malicious innuendos, hearsays and fake news."
Aniya, imbis na ibuhos ng gobyerno ang rekurso nito sa pagdurog ng mga ligal na aktibista ay ituon na lang ang pansin nito sa pagtutuloy ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) — isang alyansa ng mga rebolusyonaryong pinamumunuan ng CPP.
Bukod pa riyan, mainam daw na ilipat na lang ang P20 bilyong pondong NTF-ELCAC sa rehabilitation efforts ng mga komunidad nalabis napinsala ng mga nagdaang bagyo gaya ng Typhoon Ulysses at coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
"The NTF-ELCAC is just spewing lies using every platform available to them, without any credible, competent and admissible evidence that will stand in court," sabi pa ni Zarate.
"As we support the calls of Sen. Lacson, Sen. Francis Pangilinan and other peace advocates for the resumption of the peace talks, the challenge is now with the Duterte administration to consider this opportunity of finding a political, not the failed militarist, solution to the roots of the more than five-decade old armed conflict in our country."
'Hindi red-tagging, katotohanan lang'
Sumasang-ayon naman si presidential spokesperson Harry Roque na nakasasama talaga ang aktong red-tagging. Pero sa kaso raw aniya ng Makabayan bloc, hindi raw ito matatawag na ganoon.
"Kung talagang red-tagging ng mga inosente, delikado," ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.
"Pero as far as the president is concerned, 'yang mga Bayan Muna party-list group kasama na si Congressman Zarate, it;'s a statement of fact and not red-tagging."
Una nang sinabi ni Roque na alam nilang member ng CPP sina Zarate habang idinidiin sa armadong pag-aalsa laban sa gobyerno.
Aminado sina Roque na hindi iligal ang pagiging komunista ngunit dapat daw ay "kundinahin" nila ang armadong pag-aaklas ng NPA laban sa gobyerno para hindi tugisin ng gobyerno.
Ang CPP kasi ang namumuno at gumagabay na partido sa armadong rebelyon ng NPA.
- Latest