^

Bansa

Balikbayan, asawang banyaga at mga anak puwede nang umuwi sa Pinas simula Disyembre 7

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Balikbayan, asawang banyaga at mga anak puwede nang umuwi sa Pinas simula Disyembre 7
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases ang pagpasok sa bansa ng mga Filipino citizens na bibiyahe kasama ang kanilang foreign spouses at mga anak kahit pa ano ang kanilang edad.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Maaari nang pumasok sa bansa ang mga Pinoy balikbayan kabilang ang kanilang mga banyagang asawa at mga anak simula sa Disyembre 7.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases ang pagpasok sa bansa ng mga Filipino citizens na bibiyahe kasama ang kanilang foreign spouses at mga anak kahit pa ano ang kanilang edad.

Maaari na ring umuwi sa bansa ang mga dating Filipino citizens na bibiyahe kasama ang kanilang asawa at mga anak.

“Also permitted is the entry of former Filipino citizens, including their spouses and children, regardless of age, who are travelling with them,” ani Roque.

Ang pagpasok sa bansa ng mga nasabing indibiduwal ay base sa kondisyon na visa-free entry sa ilalim ng Executive Order No. 408, series of 1960.

Pero kailangan na mayroon silang pre-booked quarantine facility at pre-booked COVID-19 testing sa isang laborator­yo na nasa airport.

“They, too, must be subject to the maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry,” ani Roque.

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang pagtataas ng operational capacity ng mga commissioned shuttle services para sa kanilang emple­yado at pinapayagan na ang “one-seat apart” arrangement o full seating capacity basta’t magla­lagay ng kinakailangang dividers at ipatutupad ang iba pang health at safety measures.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) ang magpapalabas ng kinakailangang advisories para sa mga private shuttles.

BALIKBAYAN

IATF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with