^

Bansa

Bong Go sa DDR bill: ‘I will not lose hope’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi nawawalan ng pag-asa si Sen. Christopher “Bong” Go na maipapasa sa lalong mada­ling panahon ang Senate Bill No. 205 na inihain niya noon pang 2019 na ang layon ay lumikha ng Department of Disaster Resilience.

Ayon sa senador, ang panukala niya na magbuo ng nasabing departamento na hahawak sa disaster preparedness ay isang malaking hakbang upang ang bansa ay maging ganap na handa sa mga kalamidad nang sa gayo’y maiwasan ang pagkawala ng maraming buhay.

Ani Go, ang kanyang panukala ay magbibigay rin ng malinaw na chain of command, mas maayos na mekanismo at pamamalakad sa paghawak ng mga krisis sa bansa lalo’t nagiging normal na sa bansa ang mga pagda­ting ng mga kalamidad at sakuna.

“I will not lose hope. Patuloy akong mana­nawagan. Maybe, at the proper time, ay maipapasa na rin ito dahil kailangan talaga natin ng cabinet-level na secretary […] para rin maayos at mas mabilis ‘yung koordinasyon between the national go­vernment agencies and the local government offices,” ayon kay Go.

Iginiit niya na ang mga policy makers ay dapat na maging bukas sa mga pagsasaayos ng mga mekanismo upang masiguro na ang pamahalaan ay mas maging handa sa pagharap sa mga dumarating na krisis.

“Kung may DDR, ito na ang lalapitan natin. Sila ang kakausapin ng Pangulo at sila ang gagabay sa local officials at iba pang ahensya. Bago pa man duma­ting ang kalamidad, maghahanda na sila. Hindi na po malilito ang ating mga kababayan kung kanino at saan sila hihingi ng tulong at impormasyon,” ayon kay Go.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with