House probe sa ‘paglubog’ ng Cagayan, Isabela malamya
MANILA, Philippines — Posibleng mauwi lang sa moro-moro ang isinasagawang imbestigasyon ng Kamara sa malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela noong kasagsagan ng bagyong Ulysses kung hindi isasama ang isyu ng black sand mi-ning, legal at illegal logging operations sa Cagayan Valley Region.
Ayon sa peasant group na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), malamya, walang tapang at tiyak na walang mapapanagot ang nagi-ging takbo ng ginagawang imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela dahil nakatuon lamang ito sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dams at walang pag-iimbestiga sa illegal mining at illegal logging.
Ang pahayag ng grupo ay bilang reaksyon sa pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na climate change at ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang sanhi ng massive flood sa Cagayan at Isabela kaya ang kanilang rerebyuhin ay ang dam protocols para di na maulit ang nangya-ring pagbaha.
Subalit pinabulaanan ito ni National Irrigation Administration (NIA) head Ricardo Visaya.
Aniya, hindi ang pagbubukas ng gates ng Magat dam ang ugat ng matin-ding pagbaha sa Cagayan at Isabela kundi ang ma-lawakang illegal logging, mining at quarrying activities sa lugar.
Ayon kay KMP President Danilo Ramos, ang mahalagang dapat na imbestigahan ng Kamara ay ang logging sa mga bundok ng Cagayan at Isabela at ang mapanirang mining na sanhi ng pagbaha.
Aniya, “welcome development” sa kanila ang House Inquiry ngunit nakalulungkot na hindi naman nito kayang banggain ang mga malala-king contractor at malala-king tao na nasa likod ng illegal mining at logging.
Minaliit din ng KMP ang naging pahayag nina Isabela Governor Rodito Albano at Vice Gov. Faustino Dy III na wala nang mining operations at illegal logging sa lalawigan. Anila, mismong mga residente ang makapagpapatunay na talamak pa rin ang ganitong iligal na aktibidad at hindi pa rin ito nagbago.
- Latest