Tulungan ng public-private sector para sa climate adaptation, itinutulak
MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga environmental advocate na magtulungan at maglaan ng karagdagang pamumuhunan ang pribado at publikong sektor upang palakasin ang kahandaan ng Pilipinas sa mga kalamidad na dulot ng ma-titinding pagbabago sa klima. Sa online na pulong na Pilipinas Conference 2020 virtual forum ng Stratbase ADR Institute na may temang “Towards Green Economic Reco-very: Designing Climate Resilient and Sustainable Communities”, sinabi ni Environment Usec. Annaliza Rebuelta-Teh na napapanahon ang pagpopondo ngayon para sa disaster preparedness kaysa hintayin pang tumama ang susunod na krisis. Itinutulak ni Teh ang pagbili ng mga kagamitan para mas maging maayos ang pagkolekta at pagsusuri ng datos ukol sa disaster risk na maaaring kaharapin ng bansa sa tuwing may paparating na bagyo.
Nagkakahalaga lamang nang $800-M ang early warning systems subalit nakakatipid nang $16-B kada taon ang mga bansang mayroon nito, sabi ni Teh. Ayon kay Stratbase ADR Institute president Prof. Dindo Manhit, makatutulong ang pagbabago sa mga patakaran sa pagbaba ng antas ng kahirapan dahil ang mahihirap ang una at palaging nasasapul tuwing may sakuna at kalamidad.
Inihayag naman ni Manila Mayor Isko Moreno na dapat magtulungan ang mga pribadong korporasyon at gobyerno sa pangangalaga ng kapaligiran at sa paglikha ng mga programang mapapakinabangan sa loob ng mahabang panahon. Na-ngako ang alka-de na patuloy na makikipagtulu-ngan sa DENR sa paglilinis ng Manila Bay.
- Latest