^

Bansa

Swab tests sa gov't facilities hanggang P3,800 na lang pwede, P5,000 sa pribado

James Relativo - Philstar.com
Swab tests sa gov't facilities hanggang P3,800 na lang pwede, P5,000 sa pribado
Nagsasagawa ng RT-PCR swab test ang healthcare worker na ito sa Baranggay Pasadena, San Juan noong ika-6 ng Mayo, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang "price range" nito para sa coronavirus disease (COVID-19) RT-PCR tests, bagay na itatakda sa lahat ng pampubliko at pribadong pagamutan sa Pilipinas para hindi aniya maabuso presyo.

Ito ay alinsunod sa inilabas na Joint Administrative Order 1 series of 2020 ng DOH at Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng Executive Order 118 ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na magiging guideline sa pagpe-presyo ng COVID-19 tests.

"Ang kadahilanan kung bakit tayo humingi sa Office of the President ng EO... para pahintulutan ang DOH na magtatag ng price range," ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, Miyerkules.

"Ang dahilan nga ay napaka-disparate onapakalawak ng mga pagkakaiba ng mga singilan ng RT-PCR ng mga iba't ibang laboratoryo, mga ospital at mga iba pang may kakayahang magsagawa ng... tests."

Narito ang magiging pagpe-presyo sa naturang health facilities, bagay na dumaan daw sa malawakang pag-aaral at "market study" ng mga eksperto:

  • Pampubliko (P3,800)
  • Pribado (P4,500 - P5,000)

Tamang presyo?

Bago ang naturang order, merong RT-PCR swab tests na aabot ng hanggang P10,000 sa mga pribadong sektor — bagay na pagbabawalan na.

Mas mura raw hindi hamak ang tests sa mga public hospitals lalo na't tumatanggap ito ng subsidyo mula sa gobyerno para sa mga test kits, sweldo ng mga kawani at para maabot ng mas marami.

Paliwanag ni Duque, hindi maaaring iisa ang pagpe-presyo sa lahat kung kaya't ayaw nilang gamitin ang terminong "price ceiling" pagdating sa swab tests.

"Kaya ginawa natin, range: may floor [price], may ceiling [price]," dagdag ni Duque.

"Nang sa ganoon, hindi naman magkaroon ng pag-abuso, lalo na 'yung mga ibang laboratoryo na ang pakay ay talagang kumita lamang at minsan napagsasamantalahan ang ating kababayan."

Giit ng kalihim ng DOH, "risonable" ang mga naturang singil para ma-cater kahit ang mahihirap at mayaman.

Private labs na mas mura sa price range, magtataas?

Samantala, tiniyak naman ng DOH na hindi itataas sa P4,500 to P5,000 ang COVID-19 tests ng private entities na kayang magbigay ng mas murang serbisyo.

May mga grupo kasi gaya ng Philippine Red Cross (PRC) na P4,000 lang ang RT-PCR tests habang P3,500 lang ito sa ibang private facilities.

"Hindi naman. Basta they will have to keep their current pricing level," dagdag ni Duque.

"Hindi maganda na nagkaroon ka nga ng range tapos biglang itotodo nila sa allowable ceiling... Kung ano na 'yung kanilang level ng testing fees, that should be maintained. Pwedeng bumaba naman sila sa price ceiling, pero 'wag silang lalagpas doon."

Mga parusa sa violators

Haharap naman sa parusa ang mga violators na mag-o-overprice sa itinakda ng kautusan.

Unang paglabag:

  • 15-day suspension ng license to operate ng COVID-19 testing laboratory
  • multang P20,000

Ikalawang paglabag:

  • 30-day suspension ng license to operate ng COVID-19 testing laboratory
  • multang P30,000

Ikatlong paglabag:

  • tuluyang pagbawi ng license to operate bilang COVID-19 testing laboratory

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE III

NOVEL CORONAVIRUS

PRICE RANGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with