Emergency cash lanes sa tollways hiling panatilihin
MANILA, Philippines — Hiniling ng Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) na panatilihin ang emergency cash lanes sa tollways hangga’t wala pang inter-operability ang Autosweep at Easytrip.
Ito ang request ng LCSP dahil malapit na ang deadline ng DOTr at TRB sa cash transaction sa mga tollways pero marami pa ring problema sa RFID ang nararanasan ng mga motorista.
Ayon kay LCSP head Ariel Inton, hindi pa rin masiguro kung mapag-iisa ang sistema ng Autosweep at Easytrip at baka sa June 2021 pa.
“Hindi kami tutol sa RFID system pero dapat may option ang mga motorista sa mga emergency cases o para sa mga bihira naman dumaan sa tollways,” pahayag ni Inton.
Nilinaw ni World Health Organization spokesperson Fadela Chaib na walang specific research na nagpapatunay na ang cash transaction ay nagta-transmit ng Covid-19.
Umaasa si Inton na mapagbigyan ng DOTr at TRB ang pananatili ng emergency cash lanes sa mga tollways para may option ang mga motorista.
- Latest