14 quarry operators sa Albay lumabag sa environmental laws
MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones na 14 quarry operators sa Albay ang natuklasang lumalabag sa ilang environmental laws.
Ayon kay Leones, sa kanilang inisyal na pagsisiyasat sa lahar-affected areas malapit sa Mayon Volcano, 14 ay nagpapakita na may naganap na mga paglabag ang mga quarry operators.
Kabilang aniya dito ang paglampas ng mga operators sa allowed area sa kanila, habang ang iba ay nag-o-operate naman gamit ang expired permit.
Aniya, inisyal nang inisyuhan ng temporary suspension ang lahat ng quarrying operations.
Pinalawig naman ang pagpapatigil ng operasyon ng mga operators na natuklasang may nagawang paglabag.
Nagresulta na rin aniya ang naturang inisyal na findings sa pagrepaso sa mga polisiya ng DENR.
Ayon kay Leones, posibleng magresulta rin ito sa paglilimita ng quarrying operations sa mga “stable areas” na mayroong low risk ng mga hazards.
Noong Nobyembre 2, nagkaroon ng pagdaloy ng lahar sa lalawigan dahil sa pananalasa ng super bagyong Rolly.
Tinatayang aabot sa 300 kabahayan sa Brgy. San Francisco sa Guinobatan ang nabaon sa lahar at ilang residente rin ang iniulat na namatay.
- Latest