^

Bansa

Tindig ni Duterte sa 2020 ASEAN Summit, pinuri ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging tindig sa 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na nagpapakita sa mahalagang papel ng bansa sa pagpapaunlad ng mas malakas na pakikipagtulungan sa pag-unlad ng rehiyon.

Sa virtual ASEAN Summit, binanggit at ipinagtanggol ni Duterte ang arbitral victory ng bansa sa South China Sea sa pagsasabing walang sinomang bansa, kahit pa napakamakapangyarihan, na isantabi ang nasabing desisyon.

Idinagdag ng Pangulo na ang panalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal ay isang malinaw at may awtoridad na pagbibigay kahulugan ng aplikasyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

“It is now part of international law. And its significance cannot be diminished nor ignored by any country, however big and powerful,” ayon sa Pangulo sa high-level meetings.

Sinuportahan naman ni Go ang pahayag ng Pa­ngulo sa pagsasabing ang rule of law ay dapat na respetuhin at ang anomang pagtatalo ay kinakaila­ngang idaan sa maayos na usapan ng bawat partido.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng ASEAN neighbors para malagpasan ang kasalukuyang crisis.

“Sang-ayon ako sa sinabi ni Pangulong Duterte. Sa tagal ng samahan namin, kilalang kilala ko na ang Pangulo na palaging uunahin niya ang interes at kapakanan ng mga Pilipino,” ani Go.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with