Matapos mabira, P4.3-M 'ham and cheese' bidding para sa DepEd party inekis
MANILA, Philippines — Hindi na itutuloy ng Department of Education Central Office ang kontrobersyal nitong bidding para sa "ham and cheese" na nagkakahalaga ng milyones — bagay na gagamitin sana ng kagawaran para sa kanilang Christmas celebration.
Ika-12 ng Nobyembre kasi nang ipa-bid ng DepEd ang "suplay at delivery" ng P4,278,000 halaga ng hamon at keso para sa kanilang salu-salo sa Pasko — bagay na kinatay ng netizens online.
Ang halagang 'yan ay kukunin dapat ng ahensya mula sa 2020 national budget. Ginawa 'yan sa gitna ng coronavirus disease pandemic at kahit sinalanta ng bagyong "Rolly" at "Ulysses" ang bansa.
"The call for bidding has been cancelled. It was regular procurement but it is inappropriate at this time when our employees are severely affected by recent disasters," ayon sa isang statement ng DepEd na inilabas ng The STAR.
"We have since reallocated the funds for the needs of those affected by Typhoons Rolly and Ulysses and the ongoing COVID-19 effort for our employees."
BREAKING: @DepEd_PH issued on Nov. 12 an invitation for bids — for “Supply and Delivery of Ham and Cheese for DepEd Central Office Christmas Celebration” costing P4.278-million
— Tonyo Cruz (@tonyocruz) November 13, 2020
https://t.co/eY9ft6bNwg pic.twitter.com/vuJAIFRqym
Ayon sa mga dokumentong in-upload sa website ng DepEd ngunit binura na, ilalaan sana ang naturang pera sa sumusunod:
- 4,260 piraso ng hamon (P2,982,000)
- 2,160 piraso ng keso (P1,296,000)
Ang naturang "invitation to bid" ay nilagdaan ni Education Assistant Secretary Alberto Escobarte.
Ngayong ibubuhos na ng DepEd ang P4.3 milyon para sa COVID-19 efforts at pangangailangan ng mga naapektuhan ng Super Typhoon Rolly at Typhoon Ulyssies, sinabi rin ng departamento na nag-ambag na rin daw ang iba pang regional at division offices na hindi apektado ng bagyo para matulungan ang mga guro't mag-aaral na nasalanta.
Basahin: Kaso ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 406,337; patay 7,791 na
May kaugnayan: Probinsya ng Cagayan 'state of calamity' na dahil sa Typhoon Ulysses
The invitation to bid was posted on Nov. 12, over a week after Rolly wrecked havoc in Bicol and Southern Luzon and on the same day Ulysses passed through through Central Luzon. DepEd announced the cancellation amid criticisms online. @PhilippineStar
— Janvic Mateo (@jvrmateoSTAR) November 14, 2020
Kanina lang nang pagkatuwaan ng blogger na si Tonyo Cruz ang naumsyaming bidding, lalo na't ginawa ito kasabay ng pagdurusa ng pagkarami-rami. Hindi na tuloy siya nakapagpigil at tinawag itong "Hamon and Queso de Bola 2020 extravaganza eleganza."
"Eden cheese kaya to, guise?" sabi niya, habang tinutukoy ang isang tanyag na brand ng keso. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Janvic Mateo
- Latest