Programa vs pagka-stress ng mga bata sa panahon ng pandemic, giit ng CWC
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa mga ahensiya ng pamahalaan na iprayoridad ang pagkakaloob ng stress management program sa mga kabataan sa pagharap sa mga negatibong epekto ng COVID-19 pandemic at pagpasok sa new normal.
Sa Talakayang Makabata Digital Press Conference, sinabi ni Usec. Mary Mitzi Cajayon Uy, Executive Director ng CWC na habang ang mga bata na may edad 15-18 anyos ay pinapayagan nang lumabas, dapat ding pagtibayin ng LGUS ang inisyatibo at programa para matiyak ang patuloy na suporta sa pisikal, emosyonal, espiritwal at pangangailangang kaisipan ng mga bata.
“Kung tayong mga nakakatanda, ay nai-stress dulot ng pandemyang ito, ang mga bata ay nakakaranas ng higit na stress at pagkabalisa. Ang mga alituntunin ay dapat na maisaayos at mabalangkas sa oras na payagan na silang lumabas,” sabi ni Uy.
Sa talakayan, lumabas na lumala ang mental health isyu ng mga bata dulot ng COVID-19 pandemic.
- Latest