Manila Water Laboratory Services, kinilala bilang Laboratory of Excellence
MANILA, Philippines — Kinilala kamakailan ang Manila Water Laboratory Services (MWLS) bilang Laboratory of Excellence pakaraan ang isinagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan, kung saan inihambing ang MWLS sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo.
Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggang nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkilalang ito bilang pagpapatunay na ang mga pamamaraan at prosesong sinusunod nito ay pasado sa “world-class standards” upang masiguro na ang tubig na umaabot sa mga metro ng customer ay malinis at ligtas inumin at ang “wastewater effluent” ay nananatiling ligtas din upang itaguyod and pagkabuhay ng mga isda at halamang tubig sa mga ilog.
Ibinahagi ni MWLS Head Ms. Joy De Vera na ito ay bahagi ng kanilang pagpupunyaging lalo pang mapabuti ang kanilang gawain.
Kabilang sa mga parameters na ito ay total dissolved solids (TDS), calcium, magnesium, chloride, sulfates, calcium hardness at total hardness para sa maiinom na tubig; at total solids (TS), total suspended solids (TSS), settleable solids (SS) at oil and grease (O&G) para sa wastewater.
Ayon sa website nito, ang US-based Waters ERA ay kinikilala bilang “premier providers” ng Proficiency Testing (PT) at Certified Reference Materials (CRMs) sa libo-libong laboratoryo sa buong mundo at kasalukuyang nagseserbisyo sa 80 mga bansa.
- Latest