^

Bansa

Sapat na pondo para sa cancer patients, inihirit ni Rep. Duterte

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Hiniling kahapon ni Presidential Son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa liderato ng Kamara na madadagdagan ang pondo para sa National Integrated Cancer Center (NICCA) na tutulong sa mga pasyenteng may sakit na kanser na kapos sa pinansyal upang ipagamot ang karamdaman.

Ayon kay Duterte, Chairman ng House Com­mittee on Accounts, ipina­abot na niya ito kina House Speaker Lord Allan Jay Velasco at Committee on Appropriation Chairman at ACT CIS Partylist Rep. Eric Go Yap upang siguruhin na magkakaroon ng sapat na pondo ang ahensya para marami pang buhay ang masagip.

“Ang aking ina ay isang cancer survivor. Na-diagnosed siya noong 2016 at sa awa po ng Diyos ay naka-recover pagkatapos na higit isang taong gamutan, kaya ramdam ko po ang hirap na nararamdaman ng pamilya ng mga pasyente na may cancer,” paliwanag ni Duterte.

Araw-araw ay pataas nang pataas ang bilang ng mga binabawian ng buhay, ayon sa talaan ng Philippine Cancer Center. Kaya ayon sa mambabatas ng Davao City ay kailangan itong pagtuunan ng pansin.

Samantala, tumugon agad si Rep. Eric Yap sa hiling ni Rep. Duterte. “Ilan sa malapit sa aking puso ay nabawian ng buhay dahil sa cancer, kaya alam ko po ang hirap na dinadanas ng isang pasyente o pamilya nito. Bilang chairperson ng Committee on Appropriations ay sisikapin ko po na matugunan ang hiling ni Speaker Velasco at Rep. Duterte na magkaroon ng sapat na budget ang NICCA sa bicam conference ng 2021 budget.”

NICCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with