Progressive group, hinamon ni Esperon
MANILA, Philippines — Hinamon ni National Security Council Director General Hermogenes Esperon ang mga miyembro ng progressive groups partikular na ang Ma-kabayan bloc na ipakita ang kanilang tunay na kulay at kung ano ang kanilang ipinaglalaban.
“I wish to make it clear that I am providing numerous pieces of evidence and information that will expose the true nature of the CPP-NPA, and its various front organizations, primarily among them the Makabayan bloc” pahayag ni Esperon.
Ayon kay Esperon, vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sumusuporta siya sa grupo ni spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy at Lt. General Antonio Parlade Jr. sa red tagging.
Pinunto rin ni Esperon na kahit sa United Nations Security Council, ang CPP-NPA ay isang terrorist organization. Maging ang European Union, United States, at New Zealand ay kilala ang CPP/NPA bilang isang terrorist organization.
Habang ang Canada at Australia ay kinilala si Jose Maria Sison bilang isang terrorist individual.
Kinondena rin ni Esperon ang panukala ng Makabayan bloc na alisin ang budget ng NTF-ELCAC na may halagang P19 billion sa taong 2021.
Diniin nito na bagama’t layunin ng NTF-ELCAC na walisin ang CPP-NPA at underground organizations, mayroong parallel effort na paunlarin ang mga lugar na dating pinagkukutaan ng mga armadong grupo.
- Latest