140 bayan, lungsod nakaranas ng better connectivity sa 4G LTE upgrades ng Globe
MANILA, Philippines — May 140 bayan at lungsod ang nabiyayaan ng network upgrades ng Globe kamakailan. Ang site upgrades sa 25 barangays mula sa 2G/3G sa 4G LTE ay nagpahusay sa call, text at data services nito para sa mga customer sa Lucban, Quezon; Lobo, Batangas; Jolo, Sulu; Guinobatan, Albay; Limay, Bataan; Antipolo at Cainta sa Rizal; Lapu-Lapu, Cebu; Legazpi City, Albay; Angeles City, Pampanga; Malolos City, Bulacan; Pontevedra, Capiz, Sta. Rosa City, Laguna; Quezon City, Valenzuela City, Parañaque City, Las Piñas City, at Manila sa Metro Manila; Ormoc City, Leyte; at San Francisco, Agusan Del Sur.
Ang mga Globe customer sa naturang mga lugar ay nagsisimula nang makaramdam ng improved experience, lalo na para sa data services na ginagamit sa distance learning, pag-download ng mga pelikula, gaming at work from home requirements.
Ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group, ang mga customer ay maaari na ngayong magsagawa ng web browsing, improved voice calls, video/call conferencing, gaming, audio at video streaming, at paglilipat ng files para sa pag-aaral o trabaho.
- Latest