^

Bansa

Manila Water Foundation, umayuda sa Quezon na naapektuhan ng bagyong Pepito

Pilipino Star Ngayon
Manila Water Foundation, umayuda sa Quezon na naapektuhan ng bagyong Pepito
Kasabay ng hagupit ng Bagyong Pepito sa lalawigan ng Quezon, agad na nagtungo ang Manila Water Foundation (MWF) sa Lungsod ng Lucena noong Oktubre 21 upang magpa­dala ng dalawang trak ng maiinom na tubig at pagkain sa mahigit 7,000 naapektuhang mamamayan.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Kasabay ng hagupit ng Bagyong Pepito sa lalawigan ng Quezon, agad na nagtungo ang Manila Water Foundation (MWF) sa Lungsod ng Lucena noong Oktubre 21 upang magpa­dala ng dalawang trak ng maiinom na tubig at pagkain sa mahigit 7,000 naapektuhang mamamayan.

Mahigit 23,000 mamamayan ang naiulat na inilikas mula sa District 4 na naapektuhan ng ma-tinding pagbaha at pagguho ng lupa kabilang ang mga bayan ng Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Calauag at mga isla ng Alabat, Perez at Quezon.

Mabilis na rumes­ponde ang Manila Water Foundation at nagpadala ito ng 1,400 food packs, at mahigit 1,000 bote ng 500ml na maiinom na tubig. Ang mga donasyon ay ipamamahagi sa mga pamilyang kasalukuyang namamalagi sa mga eva-cuation centers.

Ang relief effort na ito ay bahagi ng programang Agapay na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng sakuna mula sa mga kalamidad kagaya ng bagyo, baha, o lindol, at kaakibat ang Tanging Yaman Foundation, Inc. na namahala sa pag-aayos ng mga nasabing relief goods.

MWF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with