^

Bansa

Mga proyekto, programa ng gobyerno ‘wag itago sa publiko — Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Upang malabanan ang lahat ng uri ng korapsyon, iginiit ni Senator Chris-topher “Bong” Go na kailangang ilantad sa mata ng publiko ang bawat ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular na ang proseso sa mga programa at proyekto.

Ipinaalala ni Go sa government agencies na tiyakin ang estriktong pagsunod sa transparency, accountability at good governance policies sa procurement process.

Iginiit niya na dapat na nakalantad ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa impormasyon ng procurement, pangalan at lugar ng bidders, resulta ng bidding at iba pang may kinalaman dito, bukod sa karaniwang postings sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) at agency websites.

“Dapat alam ng taumbayan kung saan napupunta ang kanilang pera. Bahagi din ito ng zero-to-lerance policy natin kontra katiwalian sa gobyerno,” ang sabi ni Go.

Ayon sa senador, sa pamamagitan ng transpa-rency ay mababawasan, kung hindi man malalansag ang korapsyon sa pamahalaan lalo sa procurement processes, partikular nga-yong pandemya.

Hiniling niya sa publiko na tulungan ang Duterte administration na masupil ang katiwalian sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsusumbong at pagbubulgar sa mga ito.

Inamin ni Go na dismayado at pagod na si Pangulong Duterte dahil sa korapsyon sa gobyerno na parang pandemya na sumisira sa ating normal na pamumuhay.

PHILGEPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with