‘Pepito’ lumakas pa
MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong Pepito at patuloy na nagbabanta sa buong Aurora province.
Alas-4 ng hapon kahapon, ang sentro ni Pepito ay namataan ng PAGASA sa layong 110 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 km per hour taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kph at pagbugso na 90 kph.
Dahil dito, nakataas ang Signal number 2 sa La Union, Pangasinan, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, southern portion ng Isabela, southern portion ng Ilocos Sur, northern portion ng Zambales at northern portion ng General Nakar, Quezon province.
Signal number 1 sa Abra, Kalinga, Mountain Province, Bulacan, Pampanga, Bataan, Metro Manila, Rizal, nalalabing bahagi ng northern portion ng Infanta, Real, Quezon at nalalabing bahagi ng Zambales.
Si Pepito ay lalakas pa hanggang sa maabot ang severe tropical storm category sa Huwebes bago lumabas ng bansa.
Samantala, isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang namataan sa 1,750 km silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na 55 kph.
- Latest