^

Bansa

Morales kinasuhan ng cyberlibel ang testigo sa 'P15-B PhilHealth scandal'

James Relativo - Philstar.com
Morales kinasuhan ng cyberlibel ang testigo sa 'P15-B PhilHealth scandal'
Kuha ni dating hepe ng PhilHealth na si Ricardo Morales matapos magsampa ng kasong Cyberlibel atbp. laban kay dating anti-fraud officer na si Thorrsson Montes Keith
News5/Marianne Enriquez

MANILA, Philippines — Nauwi na nga sa hablahan ang pag-aakusa ng mga katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp., matapos magtungo ang dating hepe ng state insurer sa city prosecutor ng Taguig, Biyernes.

Ayon sa ilang ulat, 1:30 p.m. nang pormal na ihain ni dating PhilHealth President at CEO Ricardo Morales ang kanyang cyberlibel complaint laban kay resigned anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith.

Matatandaang pinagbintangan ni Keith si Morales at iba pang opisyales ng PhilHealth sa "pagbubulsa" sa nasa P15 bilyong pondo ng government corporation. 

Basahin: ‘PhilHealth mafia pocketed P15 billion ’

"Na-damage ang aking reputation at nag-suffer ang aking pamilya, kasama na rin ang aking mga co-workers sa PhilHealth," ani Morales sa mga reporters.

"Hindi natin pwedeng palusutin 'yung mga ganong klaseng kasinungalingan. Dapat managot siya sa pinagsasabi niya."

Ilan sa mga sinasabing nilabag ni Keith ay ang cyberlibel sa ilalim ng Section 4(c)4 ng Republic Act 10175 o "Cybercrime Prevention Act of 2012," bagay na may kaugnayan sa Article 355 ng Revised Penal Code. 

Maliban diyan, reklamo rin ang "grave slander/oral defamation" sa ilalim ng Article 358 ng RPC, na qualified naman daw ng Section 6 ng RA 10175.

Una nang sinabi ni Keith na talamak ang katiwalian sa loob ng PhilHealth, isang government-owned and controlled corporation, at meron daw aniyang "mafia" na nasa likod ng bilyun-bilyong halagang modus.

"Naniniwala po ako na ang perang winaldas at ninakaw ay humigit kumulang P15 billion," sabi ni Keith sa pagdinig ng Senate Committee of the whole nitong Agosto.

Kaugnay pa niyan ang diumano'y P2.2 bilyong "overpriced" acquisition ng information and communications technology equipment at ilang "pekeng kaso" ng coronacvirus disease (COVID-19).

Matatandaang nag-resign sa kanyang posisyon si Morales mahigit-kumulang dalawang buwan na ang nakalilipas dahil na rin sa iniindang lymphoma, isang uri ng cancer.

Pinalitan si Morales, isang retiradong militar, ni Dante Gierran, na isa namang dating direktor ng National Bureau of Investigation.

Basahin: Duterte tinanggap pagbibitiw ni Morales sa PhilHealth, naghahanap na ng kapalit

May kaugnayan: Bagong hepe ng PhilHealth, na dating taga-NBI, walang alam sa public health

Kasalukuyang humaharap sa kasong graft, malversation of public funds sina Morales at iba pang PhilHealth officials, maliban sa mga reklamo hinggil sa kabiguan nilang mag-file ng witholding taxes sa reimbuirsements na ibinigay in advance sa ilang ospital.

Sa kabila niyan, hindi dinamay si Health Secretary Francisco Duque III sa mga reklamo, kahit na siya ang tumatayong chairperson ng PhilHealth. — may mga ulat mula sa News5

CORRUPTION

PHILHEALTH

RICARDO MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with