^

Bansa

Korte payag sa 3-araw na pagbisita ng aktibistang inmate sa burol ng sanggol

Philstar.com
Korte payag sa 3-araw na pagbisita ng aktibistang inmate sa burol ng sanggol
Litrato ng ilang aktibistang nananawagan sa pagpapalaya sa aktibista at political prisoner na si Reina Mae Nasino, na namatayan ng sanggol habang dinidinig ang kaso sa korte
Mula sa Kapatid

MANILA, Philippines — Pansamantalang makalalabas ng preso si Reina Mae Nasino, isang nakakulong na aktibista, para bisitashin ang burol ng kanyang tatlong-buwang gulang na anak.

Kinumpirma ang balita ng National Union of People's Lawyers (NUPL) at mga abogado ni Nasino ang pagbibigay ng Manila Regional Trial Court Branch 47, Lunes, sa tatlong-araw na furlough para sa burol at libing ni "Baby River."

Ani Kathy Panguban, abogado ni Nasino, bago mapalaya nang panandalian ang aktibisya ay dapat munang makapagbigay ng ilang rekisitos gaya ng death certificate ng bata, maliban sa pagkuha ng mga escort mula sa Manila City jail.

Sinasabing Miyerkules ilalabas ng sheriff ng korte ang court order sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). 

Ika-1 ng Hulyo nang ipanganak ni Nasino, 23-anyos, ang kanyang baby na si River. Nagdadalang-tao na siya habang naka-preventive imprisonment sa Manila City Jail. Sinasabing underweight ang bata.

Matatandaang pinaghiwalay ng Manila RTC Branch 20 ang dalawa noong isang-buwang gulang pa lang si Siver.

Ika-24 ng Setyembre nang dalhin ang baby sa ospital para sa pagdudumi at lagnat. Namatay si River nitong Biyernes, 8:50 p.m., nang hindi man lang nakakapiling uli ang ina. Hindi inaksyunan ang naunang furlough na in-apply ni Nasino noong hapon na 'yon.

Una nang nanawagan si Bise Presidente Leni Robredo na payagan ang pagsasama ng dalawa lalo na't importante aniya ang pamilya para sa mga Pilipino, lalo na ang relasyon ng ina at anak.

"I hope we respect and uphold this relationship. We urge the court to choose compassion and empathy," sabi niya ngayong umaga.

"This is the least we could do for a mother who lost her daughter too soon and under these painful circumstances."

Pinasalamatan naman ng tagapagsalita ng Kapatid, isang support group para sa mga political prisoner, ang aksyon ng korte at nanawagan para sa tuluyang pagbabasura ng kanyang kaso — na may kaugnayan sa "illegal possession of firearms and explosives."

Basahin: Opisina ng Bayan ni-raid: 3 aktibista, dinakip

May kinalaman: Bayan office raid in Manila proof of 'creeping martial law' — Zarate

"The courts failed her several times—to dismiss the fabricated and baseless case filed against her, to seek the Supreme Court’s intervention for the release of prisoners most at risk from the COVID-19 contagion, to stay with her child so she could take care of her," ani Kapatid spokesperson Fides Lim.

Isa si Nasino sa 22 bilanggol pulitikal na humiling mabigyan ng temporary liberty nitong Abril dahil sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19) sa kulungan. Ipinanganak si baby River at hiniwalay kay Nasino habang hinihintay ang desisyon dito ng korte.

Sa ruling ng korte, tinitignan ang kanilang petisyon bilang aplikasyon ng piyansa at "recognizance" at inutusan ang korteng dinggin ang kaso ng mga petitioners para agad na maresolba ang mga isyu. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at News5

ACTIVISM

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

LENI ROBREDO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

POLITICAL PRISONER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with