Pagbibigay ng permit, lisensiya gawing simple vs korapsyon - Go
MANILA, Philippines — Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang batas na gawing simple ang mga rekisitos para mapabilis ang pagbibigay ng permiso, lisensiya o sertipikasyon at mga kahalintulad nito sa mga negosyo.
Inihayag ni Go ang kanyang pagsuporta sa Senate Bill 1844, sa pagsasabing isa ito sa mga batas na hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate President Vicente Sotto III para malabanan ang katiwalian sa pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Sen. Go na malinaw ang mensahe ni Pangulong Duterte na ang mga transaksyon sa gobyerno ay gawing mas episyente at mas pabor sa taumbayan.
“Katulad po ng sinabi ng Pangulo sa kanyang pakikipag-usap sa publiko noong nakaraang Lunes, why would they take, for example, one month when it can be done in one week or even three days? During his time as mayor of Davao City, three days lang talaga. If it takes more than three days, mayor required an explanation in writing why it took more than three days or else he will file --- diretso na sa Ombudsman,” sabi ng senador.
Nakiusap din siya sa publiko na tulungan ang gobyerno sa pamamagitan ng pagsusumbong o pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga pasaway at tiwali sa opisina ng pamahalaan.
- Latest