Presyo ng kabaong pumalo na sa P300K
MANILA, Philippines — Pumapalo na sa halagang P300,000 mula sa dating P5,000 ang presyo ng kabaong sa gitna ng COVID pandemic na ikinaalarma ng isang mambabatas.
“It is an unfortunate fact that the cost of dying in the Philippines is unconscionably high, higher in fact than the cost of living for low income Filipino families,” pahayag ni 5th District Cebu Rep. Duke Frasco.
Pinuna ni Frasco ang kawalan ng stocks ng murang kabaong sa mga punerarya kaya walang magawa ang naiwang pamilya kundi kagatin ang napakamahal na ataul.
Sa panukala ni Frasco, hindi dapat lalagpas sa P12,000 ang presyo ng kabaong at tiyaking hindi mawawalan ng stock para sa mga mahihirap na namatayan ng mahal sa buhay.
Ramdam anya ang matinding sakit kung ang isang ‘head of the family’ o breadwinner ang mamatay sa COVID-19 o iba pang karamdaman at mag-iwan ng malaking utang sa kanilang mga pamilya sa gastusin sa pagpapalibing.
May katapat na multang P200,000 hanggang P400,000 at maari ring makansela ang mga business permits at iba pa sa overprice na kabaong sa mga punerarya na mananamantala sa presyo ng mga kabaong.
- Latest