Maynilad umayuda sa mga pampublikong paaralan
MANILA, Philippines — Nagkaloob ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng mga sanitation supplies at refurbished computers para sa 14 na public schools sa west concession area bilang suporta sa ‘Brigada Eskwela 2020’ program ng Department of Education (DepEd).
May 10 refurbished desktop computers ang ibinigay ng Maynilad sa Ramon Magsaysay High School sa Maynila na gagamitin ng mga guro sa kanilang klase sa pamamagitan ng distance learning method.
Labinlimang computer tablets naman ang naipagkaloob ng Maynilad para sa Schools Division Office ng Caloocan City na ipamamahagi sa mga mahihirap na mag-aaral ng lungsod.
Nagkaloob din ang kompanya ng 1,878 one-gallon bottles ng liquid hand soaps at disinfectants, at mahigit 4,800 washable face masks sa ibat-ibang mga paaralan.
“We sought to provide some of the top items in the ‘wish list’ of DepEd for this school year, which are computers for distance learning and sanitation supplies. Besides these donations, Maynilad will continue to help DepEd strengthen its W.A.S.H. (Water, Sanitation and Hygiene) programs in schools through sustained water education among the youth,” pahayag ni Maynilad President and CEO Ramoncito S. Fernandez.
Ang Maynilad ay patuloy na nagkakaloob ng ibat-ibang relief donations sa panahon ng pandemic sa pakikipagtulungan ng sister companies sa ilalim ni Chairman Manuel V. Pangilinan.
- Latest