Clinical trial ng Avigan sisimulan na
MANILA, Philippines — Posibleng magsimula na anumang araw ngayong linggo ang pagsasagawa ng clinical trial sa Avigan, ang anti-viral drug na nagmula sa bansang Japan na sinasabing gamot laban sa COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na pirmado na ang memorandum of agreement (MOA) para sa clinical trial ng Avigan.
Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan sina Health Secretary Francisco Duque III, UP Manila Chancellor at iba pa.
May kaunti na lang na kailangang ayusin para maumpisahan na ang trial, kabilang ang database na importante sa trial.
Matatandaang ilang beses nang naantala ang schedule para sa Avigan clinical trial dahil sa iba’t ibang rason gaya ng delay sa ethics review ng mga ospital na tinukoy para sa trial.
- Latest