^

Bansa

'Tumaas pa nga': Duterte 91% ang approval rating kahit pandemya — Pulse Asia

James Relativo - Philstar.com
'Tumaas pa nga': Duterte 91% ang approval rating kahit pandemya — Pulse Asia
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-21 ng Setyembre, 2020
Presidential Photos/Alberto Alcain

MANILA, Philippines (Update 1, 2:33 p.m.) — Sa kabila ng nagtataasang cumulative coronavirus disease (COVID-19) cases ng Pilipinas kumpara sa kalakhan ng mundo, nananatiling mataas ang performance at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte at sari-saring lider administrasyon, ayon sa Pulse Asia Research Inc.

Ang mga panibagong numero ay nagmula sa pag-aaral ng Pulse Asia mula ika-14 hanggang ika-20 ng Setyembre, 2020 — bagay na isinagawa sa 1,200 katao edad 18 pataas sa buong Pilipinas.

Kung ikukumpara sa kanyang approval ratings noong Disyembre 2019 (87%), umakyat pa patungong 91% ang puntos ni Digong nitong Setyembre 2020.

"Amidst the continuing COVID-19 pandemic in the country, small to huge majority approval ratings are scored by President Rodrigo R. Duterte (91%), Vice-President Maria Leonor G. Robredo (57%), Senate President Vicente C. Sotto III (84%), and House Speaker Alan Peter Cayetano (70%). Only Supreme Court Chief Justice Diosdado M. Peralta fails to obtain a majority approval score (44%)," ayon sa Pulse Asia.

"These top officials’ disapproval ratings vary from 5% for President Duterte to 22% for Vice-President Robredo. Meanwhile, Filipinos are most ambivalent about the work of the Supreme Court Chief Justice (37%) and least undecided as regards the work of the President (5%)."

 


Isinagawa ang pag-aaral matapos ang bilyun-bilyong pisong corruption scandal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at pagre-resign ng kanilang President at CEO na si Ricardo Morales noong ika-26 ng Agosto.

Pumutok din ang kontrobersiya ng P384 milyong ginastos ng gobyerno para sa "white sand" beach project sa 120-metrong strip ng Manila Bay, bagay na sana'y nagamit na sa COVID-19 pandemic ayon sa ilang kritiko.

Isang araw bago isinagawa ang survey, matatandaang dineport din pabalik ng Estados Unidos si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, kahit na guity sa pagpaslang sa transgender Filipina na si Jennifer Laude noong Oktubre 2014.

Kasalukuyan ding ika-20 sa buong mundo ang Pilipinas pagdating sa total COVID-19 cases, bagay na pumalo na sa 322,497 at pumatay na sa 5,776 katao nitong Linggo.

"The December 2019 results were already very high. At a time of rising epidemic incidence, the normal effect would have been a downtrend, given the Philhealth scandal and deeper crisis early in the year," ani Ramon Casiple, executive director ng Institute for Political and Electoral Reform (IPER) sa panayam ng Philstar.com.

"So, the 90+  cannot normally be sustained."

May kaugnayan: Philippines enters list of top 20 countries with most COVID-19 infections

Duterte, Sotto, Cayetano pinakanakinabang sa suporta

Kung titilad-tilarin ang mga datos, makikitang sina Duterte, Senate President Vicente "Tito" Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano ang nakakuha ng "majority approval ratings" sa lahat ng lugar at uri.

Pinakamarami sa sumusuporta kay Duterte ay nagmula sa Mindanao, na nagbigay sa kanya ng 97%, habang pinakamababa ito sa Metro Manila at Luzon — na parehong nagbigay sa kanya ng 88%.

Pinakapatok naman si Digong sa "Class E," o yaong pinakamahirap sa mahihirap, sa 95%.

Bumaba naman ito ng 1% para kay Bise Presidente Leni Robredo, na nakakuha ng 57% nitong Setyembre 2020. Nakakuha siya ng 58% noong Disyembre 2019.

 

 

"During the period December 2019 to September 2020, the only notable changes in these top government officials’ performance ratings are recorded by Vice-President Robredo and House Speaker Cayetano," dagdag pa ng Pulse Asia sa kanilang pag-aaral.

"The former’s approval rating goes up among Visayans (+13 percentage points) while the latter experiences several movements in his own ratings and these are: (1) a 10-percentage point drop in his approval score at the national level."

Nakakita naman ng paglusong ang ratings ni Cayetano sa nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Class D. Sa kabila niyan, tumaas ang appreciation sa kanyang legislative performance sa mga taga-Metro Manila habang dumami ang hindi makapagdesisyon sa Visayas.

"During the period December 2019 to September 2020, the only notable changes in these top government officials’ performance ratings are recorded by Vice-President Robredo and House Speaker Cayetano," dagdag pa ng Pulse Asia sa kanilang pag-aaral.

Binanatan naman ni presidential spokesperson Harry Roque si Roque kaugnay ng survey results, at sinabing patunay raw ng pagbaba ng ratings ni Robredo na "ayaw ng pamumulitika" ng mga Pilipino.

"Subukan po nating itigl ang pulitika, baka potumaas nang mataas sa 50% ang trust rating at mataas pa po sa 57% ang performance rating," ani Roque sa isang press briefing.

Nagpasalamat din naman si Sotto sa nakuhang 84% performance rating at 79% trust rating, lalo na't kinikilala raw ng publiko ang kanyang pagsusumikap na maging pinuno ng Senado.

"I will continue to remain consistent and commit to work hard even during these uncertain times," sambit niya sa isang pahayag.

Peralta 'walang majority approval'

Sa lahat ng top governmental posts na inaral, tanging si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang hindi nakakuha ng majority approval score (44%).

Hindi pa rin makumpara kung gumanda o pumangit ang kanyang performance sa tingin ng mga Pinoy lalo na't ito ang unang beses na lumabas siya sa "Ulan ng Bayan" survey ng Pulse Asia. Bagong talaga lang sa kanya noong Oktubre 2019.

"In the case of Supreme Court Chief Justice Peralta, he posts majority approval figures in Metro Manila (55%), Mindanao (52%), and Class E (61%) while he registers practically or exactly the same approval and indecision levels in the rest of Luzon (37% versus 33%), the Visayas (43% versus 43%), Class ABC (44% versus 40%), and Class D (41% versus 38%)," patuloy ng grupo.

Nasa 39% naman ng mga Pilipino ang hindi pa tiyak kung mapagkakatiwalaan nila si Peralta.

Inilinaw naman ng Pulse Asia na sariling desisyon nila na isagawa ang nasabing survey, at walang pribadong indibidwal o organisasyon na nagkomisyon sa kanila: "It has a +/- 2.8% error margin at the 95% confidence level," patuloy nila.

APPROVAL RATINGS

LENI ROBREDO

NOVEL CORONAVIRUS

PULSE ASIA

RODRIGO DUTERTE

TRUST RATINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with