Suspension ng 2022 elections posible – Comelec
MANILA, Philippines — May posibilidad pa ring masuspinde ang darating na 2022 Presidential Elections kung may batas na maaaprubahan ukol dito at kung papayagan ng taumbayan sa pamamagitan ng isang plebisito, ayon kay Commission on Elections Chairman Sheriff Abas.
Ito ang naging komento ni Abas sa itinutulak na pag-postpone sa halalan ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na inulan ng batikos sa iba’t ibang sektor.
Sinabi ni Abbas na bagama’t malinaw ang nakalagay sa Article 7, Section 4 ng Konstitusyon na nagsasabing “Unless otherwise provided by law, the regular election for President and Vice-President shall be held on the second Monday of May,” may dalawang paraan para masuspinde ito.
Una ay ang kailangang may maipasang batas na sinang-ayunan ng ‘two-thirds’ ng bilang ng mga mambabatas at ikalawa ay ang pagdaraos ng plebisito.
Ngunit sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na tila sumasalungat sa ideya ng suspensiyon ng halalan ang pagkakaroon ng plebisito na isa ring uri ng halalan.
- Latest