^

Bansa

4G SIM upgrade para sa ‘better data experience’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para masiguro na walang napag-iiwanan pagdating sa mobile technology at serbisyo nito, ipinagkakaloob ng Globe ang mas pinahusay na connectivity at data experience sa kanilang mga kostumer sa pamamagitan ng pag-upgrade sa 4G ng libre.

Ayon kay Ernest Cu, Globe president and CEO, milyun-milyong Filipino ang patuloy pa ring nagtitiyaga sa kanilang 2G/3G Subscriber Identification Module (SIM) cards habang ang mundong nakapalibot sa kanila ay nag-e-enjoy na sa benepisyong dala ng 4G mobile technology.

Lalo ngayong nasa panahon tayo ng pandemya, malaking parte sa buhay ng bawat isa ang online learning, online job at entertainment, na siyang kulang sa mga 2G/3G user.

Upang malaman kung ang SIM card ay 4G-capable, kinakailangan lamang ng mga Globe postpaid at prepaid customers na i-text ang SIM CHECK sa 8080. Para sa mga gumagamit pa rin ng 2G/3G SIM, maaaring dalhin ang inyong SIM sa pinakamalapit na Globe stores para makapag-upgrade sa 4G SIM ng libre. Maaari ring mag-request ang Postpaid Mobile customers na palitan ang kanilang SIM sa pamamagitan ng GlobeOne App.

ERNEST CU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with