^

Bansa

Sen. Go: PUVs sa kalsada dagdagan, imbes bawasan ang physical distancing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Imbes na bawasan ang ipinatutupad na physical distancing sa pagitan ng mga pasahero sa public utility vehicles (PUVs), ipinayo ni Sen. Bong Go sa pamahalaan, partikular sa Department of Transportation (DoTr) kahapon na payagan na lamang na makabiyahe sa lansangan ang iba pang PUVs at kung maaari ay bigyan sila ng subsidiya.

Ginawa ni Go ang pa­ha­yag matapos sabihin ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na habang kinikilala nila na dapat nang unti-unting palakasin ang ating ekonomiya, ang desisyon ng DOTr na bawasan ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay masyado pang maaga at napakamapanganib.

Ayon kay Go, dapat na sundin at pakinggan ang naging komento ng medical experts dahil sila ang mas nakaaalam tungkol sa kalusugan bilang mga frontliners ng bansa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ng mambabatas na batay sa pag-aaral ng mga eksperto, ang physical distancing ay isa sa pinakaepektibong paraan upang makaiwas sa transmission ng COVID-19.

At upang matugunan naman ang pangangaila-ngan ng publiko at transport sector, dapat na humanap ng paraan upang matulungan sa kanilang kabuhayan ang public utility vehicle drivers nang hindi nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at ang buhay ng mga pasahero.

Iginiit ni Go sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sa halip ay payagan na ang iba pang PUVs na makabiyahe sa lansangan.

PUVS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with