^

Bansa

‘Staycation’ pwede na sa GCQ areas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
âStaycationâ pwede na sa GCQ areas
Ayon sa Department of Tourism (DOT), inaprubahan noong Setyembre 10 ng Inter-Agency Task Force for the Management (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng ahensiyang payagan na ang staycation. Pero, hindi pa sinabi kung kailan ito maaa­ring magsimula.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ang “staycation” sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19, bilang hakbang para mapalakas ang turismo sa bansa.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), inaprubahan noong Setyembre 10 ng Inter-Agency Task Force for the Management (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng ahensiyang payagan na ang staycation. Pero, hindi pa sinabi kung kailan ito maaa­ring magsimula.

“The DOT will soon issue a Memorandum Circular (MC) on Staycations Under GCQ based on comments and suggestions of the IATF-EID,” pahayag ng DOT.

Lilinawin sa memorandum circular ang mga aspeto sa kung ilan ang maximum allowable na bilang ng magkakasama sa isang guest room na gagamit ng ancillary services tulad ng mga restaurants at recreation areas.

Ang staycation ay dapat na magtagal sa minimum na overnight stay subalit maaari lamang payagan ang mga residente sa partikular na lugar at hindi maaaring magtungo sa ibang rehiyon.

GCQ

STAYCATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with