^

Bansa

Cardinal Tagle tinamaan ng COVID-19

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Cardinal Tagle tinamaan ng COVID-19
Ayon kay Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office, walang nakitang sintomas kay dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngunit mandatory siya na magself-quarantine sa Pilipinas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, na ngayon ay isang  Cardinal Bishop sa Vatican City, matapos kunan ng swab test pagdating sa Pilipinas nitong Biyernes mula sa bansang Italya.

Ayon kay Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office, walang nakitang sintomas kay Tagle ngunit mandatory siya na magself-quarantine sa Pilipinas.

Si Tagle ay nakabase na ngayon sa Vatican matapos na maitalaga bilang “prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples” ni Pope Francis.

Tiniyak naman ng simbahan na magsasagawa sila ng contact tracing sa lahat ng mga taong nakasalamuha ni Tagle.

Bukod kay Tagle, nagpositibo rin sa COVID sina Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iñiquez, Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo at Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, na pumanaw na noong Agosto 26.

TAGLE

VATICAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with