Bong Go: Pagpapahusay sa public healthcare, dapat unahin sa 2021 budget
Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat mamuhunan ang pamahalaan sa sektor ng kalusugan sa harap ng patuloy na COVID-19 pandemic.
Sa Development Budget Coordinating Council Briefing noong Huwebes, sinabi ni Go na ang napakatagal nang puwang sa ating sistema ay nalantad, lalo sa sektor ng kalusugan at ito ay dapat na tugunan sa 2021 pambansang badyet.
Kaya naman idiniin ng senador na dapat nang matuto ang bansa sa mga nasabing karanasan at kinakailangang mamuhunan ang gobyerno sa pag-aalaga sa pangkalusugan.
Ani Go, ang pondo para sa 2021 ay dapat na tutugon, hindi lang sa pagnanais na malagpasan ang pandemya kundi maging sa paghahanda at paglaban sa iba pang krisis pangkalusugan na posibleng dumating.
Nangako ang senador na patuloy niyang ipaglalaban na patuloy na masustina ang pagpapatupad ng Universal Health Care Law (Republic Act 11223) sa pagsasabing nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte para magarantiyahan na mabibigyan ng pantay na access sa mura at dekalidad na healthcare services ang bawat Filipino.
- Latest