Nasunugan sa Mandaluyong, Quezon City, Cebu at Tagum City inayudahan ni Bong Go
MANILA, Philippines — Umaabot sa 72 indibidwal na biktima ng sunog sa dalawang lungsod sa Metro Manila ang nabigyan ng tulong ng opisina ni Senator Christopher “Bong” Go.
Namahagi ang office staff ni Go ng food packs, masks, cash assistance, alcohol, mga gamot, bisikleta at backriding barriers sa motorsiklo sa 40 nasunugan sa Brgy. Malamig, Mandaluyong City sa ilalim ng estriktong health protocols.
Nagbigay din ng iba’t ibang tulong ang opisina ni Sen. Go sa may 32 fire victims sa Barangay West Fairview, Quezon City nitong September 3.
“May dala akong mga masks diyan, mayroon din akong dalang mga grocery items para sa inyo at konting financial assistance lang po, alcohol,” ani Go sa pamamagitan ng video call. “Mayroon din akong dalang bisikleta na ipamimigay sa inyo. Nakakalungkot, gusto kong pumunta diyan sa inyo. Kaya lang po, maraming bawal ngayong panahon na ito. Bawi na lang po ako,” dagdag niya.
Samantala, may 80 biktima naman ng sunog sa Brgys. Inayawan, Duljo Fatima, Pardo at Carreta sa Cebu City ang nakatanggap ng cash assistance, food packs, masks, at mga bitamina mula kay Sen. Go.
May 123 pang benepisyaryo mula sa Brgys. Tejero at San Roque, Cebu City ang nakatanggap din ng mga nasabing biyaya mula sa opisina ng senador.
Tinulungan din niya ang mga biktima ng nangyaring sunog sa Tagum City, Davao del Norte noong nakaraang Agosto.
- Latest