Bagyong Kristine pumasok na sa PAR
September 5, 2020 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibiity (PAR) ang bagyong Kristine.
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni Kristine ay namataan ng PagAsa sa layong 1,340 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
Ang bagyo ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph at taglay ang hangin na umaabot sa 185 at pagbugso na aabot sa 230 kph.
Gayunman, nananatiling malayo ang bagyo sa Philippine landmass at walang direktahang epekto sa bansa.
Si Kristine ay inaasahang lalabas ng PAR sa araw ng Linggo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended