PBAI, ‘Watawat’ dumagdag sa mga tumutuligsa vs ‘RevGov’
MANILA, Philippines — Nakiisa ang Philippine Bar Association Inc. at ang grupong ‘Tagapagtanggol ng Watawat’ sa malawakang pagkondena sa mga grupo na nasa likod ng organisadong panawagan para sa isang revolutionary government.
Sa isang public statement, sinabi ng PBA, sa pangunguna ng presidente nitong si Atty. Jose Perpetuo M. Lotilla, na ang panawagan para sa isang ‘RevGov’ ay naglalayong “magpunla ng binhi para gibain ang Rule of Law at ang Constitution.”
Sinabi pa ng grupo na sinamantala ng mga nasa likod ng panawagan para sa ‘RevGov’ ang pandemya, krisis sa ekonomiya, at ang Presidency sa mga huling taon ng pagtatangka nito na agawin ang kapangyarihan sa gobyerno.
Iginigiit naman ng ‘Tagapagtanggol ng Watawat’ ang pagdakip sa mga promotor at self-style revolutionaries na nasa likod ng panawagan para sa isang RevGov.
Binigyang-diin ng lawyers group, sa pangunguna ni Dean Jose Aguila Grapilon, na ang mga panawagan para sa isang RevGov ay “not protected speech, not sheltered by the Constitution and not made by, nor of, nor for the sovereign Filipino people.”
Iginiit din ng grupo na ang mga panawagan para sa isang RevGov ay isang banta sa pambansang seguridad dahil layon nitong “walisin ang mga pananggalang, checks and balance at ang mga limitasyon sa kapangyarihan ng Estado.”
- Latest