^

Bansa

Bagong hepe ng PhilHealth, na dating taga-NBI, walang alam sa public health

Philstar.com
Bagong hepe ng PhilHealth, na dating taga-NBI, walang alam sa public health
Litrato ni PhilHealth President at CEO Dante Gierran noong nanunungkulan pa siya sa National Bureau of Investigation (NBI)
The STAR, File

MANILA, Philippines — Aminado ang bagong talagang hepe ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Martes, na wala siya gaanoong kaalaman sa kalusugang publiko ngayong uupo na siya sa katungkulan.

Sa panayam ng ANC kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, dating direktor ng National Bureau of Investigation, sinabi niyang natatakot siyang gampanan ang panibagong trabaho ngayong wala ito sa kanyang kasanayan.

"Natatakot ako. Takot ako kasi hindi ko alam ang operasyon ng PhilHealth. Hindi tulad ng NBI, alam ko ang operasyon ng NBI. Pero ang PhilHealth, wala. Hindi ko alam ang public health," sabit ni Gierran sa Inggles.

"Wala akong karanasan sa public health. Ang alam ko ay financial management, certified public accountant (CPA) ako, at may alam sa insurance."

Kagabi lang nang ipakilala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati si Gierran bilang kapalit ni dating PhilHealth chief Ricardo Morales, na nagbitiw dahil daw sa kanyang "cancer" habang humaharap ang ahensya sa P15 bilyong isyu ng katiwalian.

Basahin: Whistleblower accuses PhilHealth execs of stealing P15 billion through fraud schemes

May kaugnayan: Billions in PhilHealth funds released, 'exposed to corruption' each week, PACC says

Sa kabila ng kawalang karanasan, nakiusap naman si Gierran na bigyan siya ng pagkakataon para maglingkod bilang pinuno ng health insurance corporation na pagmamamay-ari ng gobyerno.

"Gusto kong magtagumpay. Takot ako, pero hindi ako duwag," dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Section 14 ng Universal Health Care Act, sinasabing dapat na may hindi bababa sa pitong taong experience sa public health, management, finance o health economics ang inirerekomenda sa posisyon ng PhilHealth.

May kaugnayan: P15-B katiwalian sa PhilHealth dahil sa 'incompetent' military appointees — grupo

'Matinding katiwalian sa PhilHealth'

Nagbigay naman payo si Sen. Franklin Drilon kay Gierran kung paano mapapahusay ang ang pagpapatakbo ng PhilHealth, lalo na't inaakusahan ng pagbulsa ng pondong publiko ang mga opisyal at dating opisyal nito.

"Dapat merong top-to-bottom reorganization. Tanggalin [niya] 'yung mga tiwali at walang alam. Dapat makulong 'yung mga bahagi ng mga sindikato," banggit ng senador sa isang pahayag ngayong araw

"Naghihintay sa kanya ang matinding korapsyon na pinerfect sa haba ng p[anahon ng mga tiwalikong sindikato ng PhilHealth."

Bukod sa diumano'y pagpabor sa ilang mga ospital, ilan sa mga ipinupukol ngayon kay Morales ay ang pag-aapruba niya sa pagbili diumabo ng mga laptop na nagkakahalaga ng P4.1 milyon at P115 milyon, bagay na sinasabing overpriced nang marami.

Sa kabila ng mga 'yan, kakausapin daw ni Gierran si Morales para matuto paano patakbuhin ang ahensya.

"Kakausapin kita mamaya, Sir. Marami akong matutunan sa inyo," dagdag pa ng bagong Philhealth chief. — James Relativo at may mga ulat mula kay Bella Perez-Rubio at News5

Related video:

DANTE GIERRAN

PHILHEALTH

PUBLIC HEALTH

RICARDO MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with