^

Bansa

Sen. Go: Pangulong Duterte, mas malakas pa sa kalabaw!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang paglilinaw at para mapanatag na rin ang kalooban ng publiko, inihayag ni Sen. Bong Go na walang iniindang seryosong karamdaman at mas malakas pa aniya sa kalabaw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sen. Go, mahigit dalawang dekada niyang kasama si Pangulong Duterte kaya isa siya sa nakaaalam ng estado ng kalusugan ng Punong Ehekutibo.

Kaya ayon sa senador, walang dapat ipag-alala ang taongbayan at mga tagasuporta ng Pangulo dahil inaalagaan nang mabuti ng Presidente ang kanyang sarili.

“Wala po siyang iniindang sakit na seryoso at hindi natin kailangang mag-alala. Mas malakas pa sa kalabaw ang Pangulo kung magtrabaho para sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipino,” ang paglilinaw ni Sen. Go hinggil sa mga espekulasyon na may malalang karamdaman ang lider ng bansa.

“Pero ikonsidera rin natin ang edad ng ating Pangulo. Sino ba namang tao na 75 years old na ang walang nararamdamang sakit sa katawan?” anang senador.

Ito aniya ang rason kung bakit nagiging mahigpit ang PSG at ang mga doktor sa Pangulo para masigurong hindi siya magkaroon ng anumang malubhang karamdaman lalo ngayon na may COVID-19 health crisis.

Ngunit bagama’t may edad na ang Pangulo, ginagawa pa rin nito ang lahat para sa mga Pilipino at buo ang loob na gampanan ang kanyang tungkulin bilang ama ng buong sambayanan na tumatayong poste ng ating tahanan para maa-lagaan at maprotektahan ang bawat Pilipinong itinu-turing niyang anak.

Tiniyak ng senador na si Pangulong Duterte pa rin ang lider na nagtitimon sa atin at wala nang iba upang tuluyang maiahon tayo sa krisis at maipagpatuloy ang mga pagbabagong nakamit na natin sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with