^

Bansa

CBCP official tutol sa 'revolutionary government' para itulak ang Cha-cha

James Relativo - Philstar.com
CBCP official tutol sa 'revolutionary government' para itulak ang Cha-cha
Kausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang tropa ng Eastern Mindanao Command sa kanyang pagbisita sa Camp Panacan Station Hospital, ika-18 ng Nobyembre, 2017
Richard Madelo/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Hindi pabor ang ilang mga nasa pamunuan ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa mungkahing "revolutionary government" ng ilang grupo upang pabilisin ang mga nais na pagbabago sa 1987 Constitution.

'Yan ang pahayag ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, bahagi ng CBCP Permanent Council, sa isang panayam ng Radio Veritas.

"No to revolutionary form of government. Besides, we are in the midst of [the COVID-19] pandemic and the government is still functioning; Democracy is still the option even in this moment where there are varied opinions being aired out," wika ni Jumoad.

"Let us not contribute the sinking of the boat of the government even if we are sailing in rough seas."

Ika-22 ng Agosto nang magtipon ang 300 katao sa Clark, Pampanga para manawagan kay Duterte na pangunahan ang rebolusyonaryong gobyerno para pabilisin ang proseso ng pagtatayo ng pederalismo.

Ayon kasi sa Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), kulang na ang oras kung idadaan sa constitutional convention o constituent assembly ang pagbabago ng konstitusyon.

Payo ni Jumoad, imbis na itulak ang pederalismo sa pamamagitan ng revolutionary government ay may kapangyarihan namang manibak ng mga tiwaling opisyales ang presidente, lalo na't pangako ni Duterte ang paglinis sa hanay ng pamahalaan.

"Pres. Rodrigo Duterte must clean his cabinet and terminate them if they are found to be corrupt officials. The same is true with those officials in other agencies who are suspect of illegal activities," sambit pa ni Jumoad.

Ilan sa mga opisyales na idinadawit ngayon sa isyu ng korapsyon ay si PhilHealth chief Ricardo Morales, na idinidikit ngayon ang pangalan sa diumano'y P15 bilyong halaga na iligal na ibinulsa diumano ng mga opisyales nito.

Ayon naman kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, imbis na makatulong ay baka maabuso pa raw ang ibibigay na kapangyarihan kay Duterte kung matutuloy ang plano.

"[P]araan lamang yan na magpapanatili sa kanila ang kapangyarihan... [D]apat may check and balances tayo, at ganun din, kailangan din natin na nakalagay naman sa Konstitusyon ano yung succession of powers hindi ayon sa gusto nila," sabi ni Pabillo.

"Kaya 'yan po ay hindi makatarungan... 'yan ay imoral na ganyan ang ipagagawa. That is seditious, that is being a traitor to the country."

Iginigiit ng MRRD-NECC ang "Rev Gov" kahit Hunyo 2019 pa lang nang sabihin ni Digong na maaaring hindi na suportahan ng taumbayan ang tunguhing pederal, bagay na matagal na niyang ikinampanya bago pa tumakbo sa pagpangulo.

Palasyo, PNP dumistansya

Kahapon lang nang sabihin ng Malacañang na wala silang kinalaman sa muling paglulutang ng ideyang revolutionary government, bagay na dati nang nabanggit ni Duterte sa kanyang mga talumpati.

"The call to establish a revolutionary government came from a private group and the organizers are free to publicly express their opinion," wika ni presidential spokesperson Harry Roque.

"The focus, however, of the administration is addressing COVID-19 and mitigating its socioeconomic impact. The most pressing and most urgent concern... is the gradual opening of the economy while safeguarding the people who are working [or] going back to work amid the pandemic."

Sabi naman ni presidential legal counsel Salvador Panelo, tila nahuhuli na ang panawagan ng mga nasabing grupo. Maliban pa riyan, kinakailangang "overwhelming call" ito ng publiko at hindi lang ng iilan.

Bagama't imbitado sa ilang pulong ang Philippine National Police (PNP), kinumpirma nilang hinding-hindi nila susuportahan ang mga ganoong tipo ng panawagan.

"The PNP remains loyal to the Constitution and we follow existing laws as it is part of our sworn duty. We will always uphold the Constitution and obey only the legal authority," sambit ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa panayam ng dzBB.

CATHOLIC BISHOP'S CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

REVOLUTIONARY GOVERNMENT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with