^

Bansa

P1 bilyon budget sa kubeta kasama sa Bayanihan 2

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagal umanong pinagtalunan ng mga senador at kongresista ang budget para sa pagpapatayo ng kubeta at kalsada bago naipasa ang panukalang Bayanihan 2.

Sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon, matagal na pinagtalunan sa Bica­meral Conference Committee ang nasabing isyu dahil tutol silang mga senador.

Pinilit umano ng mga kongresista na ipasok ang P10 bilyon sa Tou­rism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) subalit inilaban ng mga senador ang gusto ng Department of Tourism na gamitin ang pagpapautang sa mga maliliit na kumpanya na nagsara dahil sa COVID-19 pandemic.

Subalit sa huli ay nagkaroon umano ng kompromiso ang dalawang kapulungan at ito ay ang paglalaan ng P1 bilyon para sa pagpapagawa ng mga kubeta o palikuran at kalsada sa mga pasyalan o tourist destination at ilalagak ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Habang ang P6 bilyon naman ay ipapautang sa maliliit na kumpanya sa tourism industry at ang P3 bilyon ay ayuda sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho na nasa industriya ng turismo.

Kamakalawa ng gabi ay niratipikahan ng Senado ang P165.5 bilyon ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 habang inaasahan naman na sa Kamara ay raratipikahan ang panukala sa Lunes.

KUBETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with