^

Bansa

Malacañang ‘di na magtataka kung ipakulam ng mga kritiko si Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga diumano’y fake news na ipinapakalat ng mga kritiko tungkol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi na sila magtataka kung ang kasunod na gagawin ng mga ito ay ipakulam ang Pangulo.

Dahil aniya sa lockdown, nagkaroon ng maraming libreng oras ang mga kalaban sa pulitika at mga haters ng Pangulo na naging mga instant photo ay video analysts at patuloy ang ginagawang pagpapakalat ng fake news.

Matatandaan na may mga nagsabi sa social media na “dinoktor” ang larawang inilabas ni Sen. Bong Go kung saan kasama ni Duterte sa lamesa ang partner na si Ho­neylet Avanceña na may hawak na diyaryo at anak nilang si Kitty na may hawak na bata. Inilabas ang larawan bilang patunay na walang sakit ang Pangulo at nasa Davao.

Hinala ni Roque, milyong piso ang ginagastos ng mga naninira sa Pangulo na dapat aniya ay ginagamit sa pagtulong sa mga tao ngayong panahon ng pandemic.

Tinawag din ni Roque na “preposterous” ang ginagawang paninira at patuloy na paghahasik umano ng hindi totoong balita ng ilang grupo tungkol sa sinasabing pagbiyahe ni Duterte sa Singapore kahit pa may inilabas ng larawan at video si Go.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with