^

Bansa

Go, handa maging oposisyon vs korapsyon sa gobyerno

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Bong Go na hindi siya mangingi-ming magsalita na tila isang oposisyon kung ang usapin ay tungkol sa mga isyu ng katiwalian para matalupan ang mga mali at maparusahan ang mga may sala o magnanakaw.

“As a legislator, parte ng mandato ko ang mag-fiscalize at siguraduhin na nasusunod o naiimplementa ang mga batas. Sa mga kasamahan ko sa gobyerno, kahit magka-alyado tayo, basta may mali, magsasalita po ako. Umabot na sa punto na sinabihan ako ng Pa-ngulo na ‘‘to talk like an opposition’’ kapag corruption na ang pinag-uusapan,” ayon kay Sen. Go.

Sa kanyang public address noong Lunes, pinaalalahanan ng Pangulo si Sen. Go na palagi niyang gamitin ang forum sa Senado para ibulgar ang mga maling gawain at mga krimen.

Tiniyak naman ni Go sa Pangulo na patuloy niyang susuportahan ang kampanya na masugpo ang malalim na nakabaon o sistematikong korapsyon sa gobyerno.

Kaya naman hinimok ng senador ang mga kapwa manggagawa sa pamahalaan na makipag-cooperate sa mga imbestigasyon para malantad ang mga sangkot sa mga iregularidad.

Tiniyak ni Go na hindi sila titigil ni Pangulong Du-terte sa kanilang kampanya laban sa katiwalian.

“Exhausted na po ang ating Pangulo pero hindi po siya titigil na labanan ang corruption until the last day of his term... Hindi siya nagpapapigil at wala siyang pinipili, kakampi man o kalaban. Basta corruption ang isyu, hihiritan at tutuluyan ka niya,” sabi ni Go.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with