COVID-19 benefits tuloy – PhilHealth
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa mga miyembro na makakatanggap pa rin ng kaukulang benepisyo ang mga pasyente ng COVID-19 kahit na suspendido ang interim reimbursement mechanism (IRM) ng ahensya.
Ayon sa PhilHealth, tuloy ang benepisyo sa mga COVID in-patient, testing at community isolation packages para sa kapakanan ng mga apektadong miyembro.
Una nang inanunsyo ng PhilHealth na suspendido ang IRM o ang cash advance mechanism para sa mga ospital at healthcare facilities dahil sa alegasyon ng korapsiyon sa ahensiya.
Nilinaw ng PhilHealth na ang suspension ng IRM ay para bigyang daan ang pagbusisi sa sinasabing anomalya sa ahensya.
Sa record, ang Davao City-based Southern Philippines Medical Center ang nakakuha ng pinaka-mataas na halaga ng cash advances mula sa IRM na P326 million.
Sinundan ito ng UP-PGH na P263 million at ang Davao Regional Medical Center na P209 million.
- Latest