^

Bansa

ASG leader, isinuko ni Misuari

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lubos na nagpasa­lamat si Sen. Bong Go kina Pangulong Duterte at Department of Education Secretary Leonor Briones sa pagtugon sa naging panawagan niya na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng bagong school year.

Sinabi ni Go na sa pag-urong ng school year opening sa October 5, magkakaroon ng dagdag at sapat na panahon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante, teachers, learning institutions at education authorities sa pag-implementa ng flexible o blended modes of learning.

Ang tanging nais ni Go sa kanyang rekomendasyon ay masigurong may pantay-pantay na pagkakataong makapag-aral ang mga kabataan, anuman ang kanilang antas sa buhay at nasaan man silang parte ng bansa, sa paraang ligtas at hindi masyadong pabigat sa kasalukuyan nating sitwasyon.

“Alalahanin po natin na marami pa pong hindi nakakabili ng kailangan sa eskwela o wala pang pambayad ng matrikula dahil nawalan ng trabaho,” ani Go.

“Katulad ng sinabi ko noon, hindi naman natin gusto na makompromiso ang kanilang pag-aaral. Gusto lang natin siguraduhin na ligtas at magi­ging maayos ang implementasyon para hindi na madagdagan ang paghihirap ng mga tao. Buhay at kapakanan ng mga Pilipino ang palaging uunahin natin,” dagdag niya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with