Mga may-ari ng dialysis center na nabigyan ng PhilHealth funds pinapahanap ng Senado
MANILA, Philippines — Inaalam na ng Senado kung sinu-sino ang mga may-ari ng mga dialysis center na nabigyan ng Philippine Health Insu-rance Corp. (PhilHealth) ng milyung-milyong pisong pondo na para lamang sana sa mga ospital o health care facilities na may COVID-19 patients.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, inatasan na niya ang Senate secretariat ng Senate of Committee of the Whole na alamin kung sino ang may-ari ng B Braun Avitum Philippines Inc.
Ang nasabing kum-panya umano ay nakadeklarang may dalawang dialysis center sa Tondo Maynila, dalawa sa Quezon City at isa sa Benguet.
Giit ni Sotto, hahanapin kung sino talaga ang may ari ng nasabing kumpanya at ipapatawag sa Senado.
Ayon naman kay Senador Panfilo Lacson, hihilingin din nila sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na hanapin ang may-ari na nakatanggap ng P45 milyon mula sa PhilHealth sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).
Giit ni Lacson, ang B Braun Avitum Philippines Inc. sa Benguet ay ang pangalan na nakalagay sa bank transactions kung saan nabigyan ng P9.7 milyon sa Balanga Rural Bank noong 2019.
Sinabi ng mga Sena-dor na hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang nasabing kumpanya.
Para kay Lacson, posibleng sa nasabing kumpanya dumadaan ang mga pera katulad sa “ghost dialysis” scam na kinasasangkutan noon ng WellMed Dialysis Center.
- Latest