Mas panalo ba magpa-service ng motor sa labas ng dealership?
MANILA, Philippines — Kung ikaw ay mahilig mag-accessorize ng iyong motorsiklo, malamang ay madalas kang bumisita sa mga maliliit na motorcycle shops sa iyong komunidad.
Dito, maliban sa pagbebenta ng accessories pang-motor, sila rin ay may mga mekanikong nag-aalok ng repair at maintenance ng iyong sasakyan. Sa unang tingin, tila mas makakamura ka sa mga maliliit na shops na ito. Pero ang totoo, mas madalas ang pagkakataong mas talo ka pa.
Bakit hindi na lang sa mismong dealership magpunta?
Halos lahat kasi ng motorcycle dealerships ay namimigay na ng maintenance sa kanilang mga customers. Sa bawat bagong motor na nabili sa kanila ay may kasamang free service coupons na good for six months to one year.
Kaya naman libre na ang maintenance kapag sa kanila magpa-service, kumpara sa maliliit na shop—maliban sa hindi makagagamit sa kanila ng service coupons, maaari pang ma-void ang warranty ng iyong unit kapag doon mo dinala ang iyong motor.
Mas makalalamang ka sa service technicians ng mga dealerships dahil may regular updates at training sila mula sa mismong manufacturers. Kapag ubos na ang coupons ay hindi kailangang mag-alala dahil abot-kaya at sulit naman ang kanilang service fee.
Sa Motortrade, halimbawa, ang service fee ay P299 lang. Inclusive na rito ang tune-up, change oil, drive chain adjustment, check ng mga preno, at iba pa. Isang malaking advantage pa ay mayroon silang online appointment system kung saan pwede kang mamili ng schedule ng papunta para hindi na kailangang pumila at mag-antay ng matagal.
Less hassle na. less exposure pa sa COVID-19.
Makakapamili ka na ng oras na swak sa iyong schedule, marami pa silang outlets nationwide na mapagpipilian. Panalo ‘di ba?
Para makapag-set ng appointment, mag-log-on lamang sa http://motortrade.com.ph/service/.
- Latest