^

Bansa

PhilHealth chief may cancer, pinayuhang mag-leave

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth chief may cancer, pinayuhang mag-leave
Bukod kay Philippine Health Insurance Corp. Chief Ricardo Morales, nagpadala rin ng medical certificate at sulat kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Arnel De Jesus, Executive Vice President and Chief Operating Officer ng PhilHealth na kabilang sa pinahaharap sa pagdinig sa Lunes.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ng medical certificate, ipinaalam ni Philippine Health Insurance Corp. Chief Ricardo Morales sa Senado na hindi siya makakadalo sa imbes­tigasyon sa Martes, Agosto 11 kaugnay sa sinasabing korupsiyon sa ahensiya dahil mayroon siyang lymphoma at sumasailalim sa cancer treatment sa Cardinal Santos Medical Center.

“This is to certify that General Ricardo C. Morales, 67 year old male, is a diagnosed case of Diffuse Large B cell Lymphoma, and is currently undergoing chemotheraphy at Cardinal Medical Center,” nakasaad sa medical certificate ni Morales na may petsang Agosto 7, 2020 at pirmado ng attending medical oncologist ni Morales na si Dra. Maria Luisa Tiambeng.

Nakasaad din na delikado sa impeksiyon si Morales na kailangang sumailalim sa anim na cycles ng treatment kaya pinayuhan ng kanyang doktor na mag-leave of absence muna sa trabaho.

Bukod kay Morales, nagpadala rin ng medical certificate at sulat kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Arnel De Jesus, Executive Vice President and Chief Operating Officer ng PhilHealth na kabilang sa pinahaharap sa pagdinig sa Lunes.

Sa medical certificate ni De Jesus mula sa Asian Hospital and Medical Center at pirmado ni Dr. Joel Dela Rosa, anim ang nakasaad na sakit nito kabilang ang hypertensive heart di­sease, acute coronary syndrome, dyslipidemia, diabetes millitus type 2 at dilated cardiomyopathy.

Agosto 5, 2020 ipinasok ng ospital si De Jesus at kasalukuyan pa rin itong naka-confine.

Tiniyak ni De Jesus na magiging “availa­ble” siya kapag naging mabuti na ang kanyang kalusugan.

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with