13 nawawalang seafarer sa Beirut nahanap na
MANILA, Philippines — Nahanap na ang lahat ng 13 seafarer na nawala sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Batay sa huling impormasyon sa Department of Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng DFA, personal na binisita ni charge d’affaires Ajeet Panemaglor ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga seafarer, na nagtamo ng minor injuries.
Unang iniulat noong gabi ng Miyerkoles na nahanap ang 10 seafarer na nawala sa kasagsagan ng pagsabog.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng pinagtatrabahuhang shipping company ang mga ito.
Naglabas pa ng retrato ang DFA ng mga Pinoy bilang “proof of life.”
Sinisikap naman ng ahensiya na mapauwi ang labi ng dalawang Pinoy na namatay sa pagsabog.
Nabatid na nasa 24 ang sugatan na karamihan ay mga household service workers o kasambahay.
Isa sa mga nasugatan ay kritikal ang kalagayan.
Tiniyak ng pamahalaan ang tulong sa mga kababayang biktima ng insidente.
- Latest