^

Bansa

Sen. Go sa DOH: Ilabas ang tamang datos sa COVID-19

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa concerned government agencies, partikular na sa Department of Health na ayusin ang kanilang mga komunikasyon at paglalabas ng tamang impormasyon sa publiko lalo ang tungkol sa kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Iginiit ni Go na sa pamamagitan ng eksakto, nasa oras, wasto at kinakailangan lamang na impormasyon o updates na may kinalaman sa COVID-19, maging ng mga inisyatiba na ginagawa ng pamahalaan ay magpapalakas sa kolektibong pagsisikap ng mga kinauukulan para malagpasan ng bansa ang health crisis.

“Huwag na po natin dagdagan ang iniisip ng taumbayan lalo na’t hilong-hilo na po lahat dahil sa hirap na dulot ng pandemya. Siguraduhin ninyo po na maipaliwanag nang maayos at tama ang impormasyon na inyong binibigay,” ani Go.

Idinagdag ng senador na kung tama ang impormasyon o datos ay maisasaayos din ang pagbibigay o paglalabas ng decision-making process ng gobyerno, lalo sa pagpapatupad ng community quarantine measures gayundin sa pagtulong sa mga apektadong sektor ng kasalukuyang krisis.

Ipinaalala naman niya sa publiko na sundin ang mga ipinapayo ng pamahalaan sa pagsunod sa health and safety protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing para hindi na lumaganap ang virus.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with